Aklan News
AKLAN PSWDO, UMAPELA SA KOMUNIDAD NA TULUNGAN ANG MGA BATA
Kalibo, Aklan – Ikinalungkot ni Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO-Aklan Officer Evangeline Gallega ang tumataas na kaso ng pang-aabuso na kinasasangkutan ng mga estudyante.
Naglabas ng pahayag si Gallega matapos maiulat ang insidenteng naganap sa isang Brgy. sa Aklan na kinakasangkutan ng dalawang batang edad 6 at 8 taong gulang na nagtalik habang naglalaro ng bahay-bahayan.
Sinabi nito na dapat maging mapagbantay ang bawat isa para maiwasan at mapigilan ang pang-aabuso, diskriminasyon at gumawa ng mga bagay na hindi angkop sa kanilang murang edad ang mga kabataan.
Sinabi ni Gallega na lahat ng barangay ay dapat na may Brgy. Council for the Protection of Children (BCPC) na pinapangunahan ng kapitan.
Dapat umano na magsagawa ang BCPC ng profiling upang tukuyin ang mga batang “vulnerable” o mahina laban sa mga pang-aabuso at gumawa ng mga programang makakatulong sa kanila.
“I appeal to the community from the barangay to the municipality and of course at the provincial level to identify who are these children na vulnerable and plan out direct programs that can develop and prevent children from committing crimes,” dagdag pa nito.