Connect with us

Aklan News

AKLAN SP, PINASALAMATAN ANG MGA TUMULONG SA POWER RESTORATION

Published

on

Photo| Akelco

Kalibo, Aklan – Idinaan ng Aklan Sangguniang Panlalawigan sa paghahain ng Resolution No. 2020-334 ang kanilang pasasalamat sa mga ‘Warriors of Light’ na tumulong sa mabilis na pagbabalik ng power supply ng kuryente sa probinsya.

Ang Resolution No. 2020-334 ay iniakda ni SP memer Nemesio Neron katuwang ang kanyang co-sponsors na sina SP member Jay Tejada at Immanuel Sodusta.

Ito ay bilang pagkilala sa sakripisyo ng Task Force Kapatid na binubuo ng iba’t-ibang electric cooperatives sa ilalim ng Power Restoration Rapid Deployment Program o PRRD.

Sinalanta ng bagyong Ursula ang probinsya ng Aklan sa mismong araw ng kapaskuhan kung saan isa sa mga labis na naperwisyo ang mga poste at linya ng kuryente.

Sa tulong ng Task Force Kapatid, nagawang maibalik ng AKELCO ang kuryente sa buong probinsya bago ang kanilang itinalagang deadline.

Ang Task Force Kapatid ay binubuo ng ANTECO, BOHECO I, BOHECO II, CAPELCO, CEBECO I,CEBECO II,CEBECO III, CENECO, GUIMELCO, ILECO I, ILECO II, ILECO III, LANECO, MORESCO I, MORESCO II, MOELCI I, MOELCI II, NONECO, NOCECO, NORECO II, ZANECO and ZAMSURECO I.