Connect with us

Aklan News

AKLAN SP, SUPORTADO ANG HANGAD NG MALAY NA MAGING SIYUDAD

Published

on

Nagpakita ng pagsuporta ang Sangguniang Panlalawigan ng Aklan sa hangarin ng Malay na maging siyudad sa pamamagitan ng pagpasa ng resolusyong nag-eendorso sa conversion ng Malay bilang isang component city at hinimok si Aklan 2nd District Teodorico Haresco Jr. na maghain ng panukala sa kamara.

Ito ang sagot ng SP sa Resolution No. 004 ng Sangguniang Bayan Malay na may titulong A Resolution Earnestly Requesting The Sangguniang Panlalawigan of Aklan To Pass A Resolution Favorable Endorsing To the Philippine Congress (House of Representatives) The Enactment Of A Law Converting The Municipality Of Malay, Aklan Into A Component City.

Sa deliberasyon ng Committee on Laws, Rules, and Ordinances, kwalipikado ang Malay kung ibabase sa kita at land area na dalawa sa mga requirement ng Local Government Code. Sinasabing exempted din ang Malay sa 3rd requirement ng land area dahil binubuo ito ng dalawang isla.

Dahil first-class municipality ang Malay, kumita ito ng halos Php 165 million sa nakaraang dalawang taon na kung titingnan ay mas mataas pa sa Php 100 million na dapat na annual income ng isang lugar na maaaring gawing siyudad base sa Local Government Code.

Ayon kay Municipal Planning Development Coordinator Alma Belejerdo ng LGU Malay, suportado rin ni Congressman Teodorico T. Haresco Jr. ang hangarin ng Malay.

Malay ang magiging kauna-unahunang siyudad sa Aklan sa oras na mapagtibay sa kongreso ang corresponding bill.