Aklan News
AKLAN STATE UNIVERSITY, KABILANG DI UMANO SA LISTAHAN NG MGA PAMANTASANG TARGET SA RECRUITMENT NG CPP AT NPA
Napabilang ang Aklan State University (ASU) sa listahan ng mga kilalang unibersidad na kung saan nangyayari ang umano’y aktibong recruitment ng mga rebeldeng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).
Ito ay base sa bagong listahan na inilabas kahapon ni Undersecretary Lorraine Marie T. Badoy ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay Badoy, suportado nila ang nauna nang pahayag ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr., Commander ng AFP-Southern Luzon Command na bukod sa University of the Philippines-Diliman at UP Manila ay may mga ilang unibersidad pa na kung saan isinasagawa ang recruitment ng NPA.
Kinondena ng ilang mag-aaral, estudyanteng lider at mga campus journalists ng ilang pamantasan ang di umano’y ‘red tagging’, at pagkakalat ng walang basehang impormasyon ng NTF-ELCAC na maaaring maglagay ng peligro sa buhay ng mga estudyante. Iginiit ni Badoy na hindi ‘red-tagging’ ang pagpangalan ni Lt. Gen. Parlade sa mga pamantasan, “There is no such thing as red-tagging”.
Ang red-tagging ay gawa-gawa lang aniya ng mga rebelde para maprotekhan ang kanilang ‘front’ at makapag recruit pa ng mga kabataan na sumali sa rebelde, “Our house is on fire. And our children are in being consumed by the flames.”
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng Aklan State University ukol dito.
Mga listahan ng pamantasan:
- UP DILIMAN
- UP MANILA
- UNIVERSITY OF STO. TOMAS
- FAR EASTERN UNIVERSITY
- POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
- UNIVERSITY OF THE EAST
- ATENEO DE MANILA UNIVERSITY
- UNIVERSITY OF MAKATI
- UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY
- BULACAN STATE UNIVERSITY
- ARELLANO UNIVERSITY
- HOLY TRINITY UNIVERSITY
- UP VISAYAS
- UP CEBU
- WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY
- EARIST – EULOGIO AMANG RODRIGUEZ INSTITUTE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
- CENTRAL PHILIPPINE UNIVERSITY
- EMILIO AGUINALDO COLLEGE
- CAVITE STATE UNIVERSITY
- BATANGAS STATE UNIVERSITY
- UP BAGUIO
- UP TACLOBAN
- MINDANAO STATE UNIVERSITY ILIGAN AND, MSU GEN SANTOS
- HOLY ANGEL UNIVERSITY
- TARLAC STATE UNIVERSITY
- BUKIDNON STATE UNJVERSITY
- BENGUET STATE UNIVERSITY
- IFUGAO STATE UNIVERSITY
- UNIVERSITY OF EASTERN PHILIPPINES
- UNIVERSITY OF SOUTH EASTERN PHILIPPINES
- ATENEO DE DAVAO
- XAVIER UNIVERSITY
- FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY
- CAPIZ STATE UNIVERSITY
- AKLAN STATE UNIVERSITY
- BICOL UNIVERSITY
- ATENEO DE NAGA
- ST THOMAS AQUINAS UNIVERSITY