Connect with us

Aklan News

AKLAN STATE UNIVERSITY KUMPIRMADONG TARGET NG CPP/NPA PARA SUMANIB SA KANILANG GRUPO

Published

on

Kumpirmadong isa ang Aklan State University (ASU) sa mga unibersidad na target ng mga NPA para sumanib sa kanilang grupo.

Ito ang kinumpirma ng isa sa mga Organizer ng CPP-NPA AT Regional Director ng Kilusang Mayo Uno na si ‘’KA WINNIE ‘at ilang myembro ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict base na rin sa kanilang mga nakalap na dukomento at pagsisiyasat sa isinagawang dayalogo kahapon ng umaga  sa nasabing paaralan.

Maaring hindi ito malalaman ng pumunuan ng eskwehan dahil wala namang consent na manggagaling sa kanila dahil derekta na silang magkukumbinsi sa target nilang estudyante para sumapi sa kanila.

Dagdag pa na mas madali nilang makumbinsi ang mga estudyante na may mga kritikal na pag-iisip laban sa gobyerno.

Mungkahi pa nito na mas madalaing lapitan ng mga kumunista ang mga may edad 14 anyos hanggang 26 anyos dahil madali nila itong ma brain wash na pangakuan na aasenso ang kanilang buhay kapag sumanib ang mga ito sa kanila.

Ikinadismaya rin ito ng pumunuan ng paaralan kung bakit napasama sa bilang ang nasabing institusyon.

Isa umano ang Aklan sa mga target ng CPP/NPA dahil sa kanilang wide operation at ang Aklan ay napabilang sa Secondary Urban Areas.

Ang kumpirmasyong ito ay pinatunayan ni Major Cenon Pancito Spokeman ng 3rd ID Philippine Army sa panayam ng Radyo Todo sa kanya.

Hanggang sa ngayon walang opisyal na sagot ang pumunuan ng Aklan State University hinggil sa nasabing usapin.