Connect with us

Aklan News

Aklan Vice Gov. Quimpo hindi pabor sa planong Boracay-Caticlan bridge

Published

on

MARIIING tinututulan ni Aklan Vice Governor Reynaldo “Boy” Quimpo ang planong pagpapatayo ng tulay na magdudugtong sa mainland Malay at isla ng Boracay.

Ayon sa bise-gobernador, walang isinagawang stakeholder’s consultation para sa nasabing proyekto na isang paglabag sa Local Government Code of 1991; R.A. No. 11966 or Public-Private Partnership (PPP) Code, at Implementing Rules and Regulations(IRR).

Paglabag din umano ito sa Aklan Provincial Ordinance No. 05-032 o “An Ordinance Implementing The Regulations Of The One Entry/Exit Policy To/From Boracay Island For The Preservation, Protection, Security And Safety Of The Provincial Tourism Assets And Resources And Prescribing Penalties For Violations Thereof” kung saan nililimitahan ang access papunta at mula sa isla ng Boracay sa pamamagitan lamang ng LGU operated jetty ports.

Maaapektuhan rin ayon kay VG Quimpo ang Sea Transport Sector and Support Services ng nasa P368M na investment ng pamahalaan para sa mga bagong sea crafts alinsunod sa sea craft modernization program na mandato ng gobyerno.

Maliban dito, libu-libong pamilya ayon sa bise-gobernador ang posibleng maapektuhan sa nasabing plano.

Kabilang na dito ang 454 personnel, mga boatmen/boat owners at 166 porter/baggage handlers na mawawalan ng trabaho at kabuhayan.

Saad pa ni Quimpo, marami pang grounds ang naturang proyekto na siyang binibigyan niya ngayon ng pansin upang protektahan ang mga Aklanon lalo na ang mga Malaynon at Boracaynon.

Napag-alaman na ang nasabing Boracay bridge ay may habang 1.2-kilometers na proposed project ng San Miguel Holdings Corporation at nagkakahalaga ng P5.728 billion.|SMV

Continue Reading