Connect with us

Aklan News

Aklan, wala pang dengue outbreak; lumabas na balita,’fake news’ – PHO

Published

on

Tinawag na ‘fake news’ ni Provincial Health Officer Dr. Cornelio “Bong” Cuachon Jr. ang balitang nagdeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Aklan dahil sa dengue outbreak.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Cuachon, inilahad nito na hindi pa nagdedeklara ng outbreak ang Aklan dahil kapag magdedeklara aniya ng outbreak, kailangang may dalawang munisipalidad muna ang magdeklara ng outbreak sa kanilang bayan.

Pangalawa, dalawa pa lamang ang reported death ng Aklan at hindi apat kagaya ng lumabas sa balita kung kaya’t tinawag niya itong “fake news”.

Saad pa ng doktor, maaaring ang lalawigan ng Antique ang tinutukoy sa balita na nagdeklara ng state of calamity dahil sa ngayon ay lumubo ang kanilang dengue cases.

“Ro Aklan owa pa nag-declare it outbreak sa province. Kung ga-declare ka it outbreak, dapat may daywang ka municipality to declare nga may outbreak and then the province could declare an outbreak, kung may two municipalities. So iya sa aton owa pa man it outbreak sa daywang ka municipality. And do second, hay ro aton nga reported death, is only two, bukon it ap-at. So, fake news ro nagguwa. Siguro basi ro Antique ta ro ga-declared it state of calamity,” paliwanag ni Dr.Cuachon sa panayam ng Radyo Todo.

Samantala, mula Enero 1 hanggang Hulyo 16, nakapagtala na ang PHO Aklan ng 314 dengue cases.

Mas mataas ito kung ikukumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon na mayroon lamang 28 cases kung saan ang percentage increase nito ay halos 1021%.

Pahayag pa ni Cuachon, dahil dito ay inaasahan nila ang pagtaas ng kaso ngayon taon.

Dagdag pa ng doctor, “Base abi sa trend it aton nga dengue, every 3 years hay naga-outbreak. Ro last nga outbreak was last 2019. And 3 years… 2022, outbreak eoman that’s why duyon ro trend in the previous years hay every 3 years ro trend nga may una nga outbreak it dengue.”

Ang buwan naman kung saan may mataas na numero ng nagkakasakit ng dengue ay sa buwan ng Hulyo o Agosto dahil tag-ulan.