Connect with us

Aklan News

Aklan, wala pang kaso ng Japanese Encephalitis

Published

on

Wala pang kaso ng Japanese Encephalitis sa lalawigan ng Aklan batay sa Aklan Provincial Health Office (PHO).

Kasunod ito ng inilabas na pahayag ng DOH Western Visayas na mayroon nang 25 positibong kaso ng nabanggit na sakit sa Western Visayas.

Base pa press statement ng Department of Health Western Visayas Center for Health Development, 256 ang naitalang suspected Acute Meningitis Encephalitis Syndrome mula Enero 1 hanggang Mayo 27, 2023 at tatlo rito ang mula sa Aklan.

Paliwanag ni Health Program Officer for Vaccine Preventive Disease Donna Rico, ang Japanese Encephalitis ay kadalasang naiuugnay sa dengue dahil galing din ito sa lamok na Culex tritaeniorhynchus na nagdadala ng flavivirus.

“Ro Japanese Encephalitis hay tuga it ginatawag nga flavivirus. So medyo nakuebaan kita, ro iba hay gina associate imaw sa dengue, siguro gina associate nanda sa dengue kasi pareho sanda nga ro ginahalinan hay lamok. Magkakaroon kita it Japanese Encephalitis kung kita hay nakagat it lamok nga ginatawag nanda nga Culex tritaeniorhynchus,” paliwanag ni Rico.

Kadalasan umanong makikita ang ganitong uri ng lamok sa mga palayan at pig farming sites.

Kabilang sa mga sintomas nito ang pagsakit ng ulo, lagnat at pagsusuka, pero kapag hindi naagapan, maari itong makaapekto sa ating central nervous system at magdulot ng disorientation, seizure, coma at pagkamatay.

“Ro mga sintomas nga dapat naton nga bantayan hay unang-una ginaeagnat kita, gasakit ro aton nga ueo, chills gapangurog kita, ro aton nga eawas hay gaoy ag nagasuka. Dapat sa duyon paeang nga stage hay makapa check-up eagi kita para indi kita mag abot sa late stage.

“Kasi raya gara nga Japanese Encephalitis hay naga affect sa aton nga central nervous system, duyon ro aton nga brain ag spinal cord.

“So pag indi ra imaw maagapan, si Japanese Encephalitis hay ga cause imaw ra it disorientation, so medyo dis-oriented na dayon kita, ga seizure ag coma ag pag di gid naagapan hay gakamatay,” saad nito.

Mas delikado aniya ang Japanese Encephalitis kung ikukumpara sa dengue kapag hindi agad naagapan.

Dahil lamok din ang pinanggagalingan ng nabanggit na sakit, pareho din aniya ang preventive measures nito sa dengue.

Dapat umanong tandaan ang 5S strategy:

  • Search and destroy mosquito breeding places tulad ng mga lumang gulong, paso, balde at drum
  • Secure self-protection tulad ng pantalon, long sleeved na damit, at mosquito repellant
  • Seek early consultation lalo na kung may sintomas na tulad ng mataas na lagnat at sakit ng kasu-kasuan, at pananakit ng likod ng mata
  • Support fogging and spraying only in hotspot areas
  • Sustain hydration lalo na kapag nilalagnat.

via MAS