Connect with us

Aklan News

Aklanon athletes, delegation sa Palarong Pambansa nakatanggap ng P200K mula kay Kalibo Mayor Juris Sucro

Published

on

Photo Courtesy: Mayor Juris Sucro

PERSONAL na nagtungo si Kalibo Mayor Juris Sucro sa Cebu City upang iabot ang P200,000 na financial support para sa mga atleta at delegado ng lalawigan ng Aklan para sa Palarong Pambansa 2024.

Ang naturang financial support ay mula sa sariling bulsa ng alkalde.

Aniya, nais niyang iparamdam sa mga delegado ng Aklan, lalo na sa mga atletang Aklanon ang kanyang suporta.

“Personal kitang nag-agto iya makaron para ipabatyag ro atong suporta ag pagpalangga sa mga Aklanon. Goodluck to all the athletes and God bless you all!,”pahayag ng alkalde.