Connect with us

Aklan News

Aklanon athletes na sumabak sa Palarong Pambansa, binigyan ng pagkilala ng Aklan Prov’t Gov’t

Published

on

Photo: IMAD

Binigyan ng pagkilala ng Aklan Provincial Government at ng Department of Education (Deped) Aklan ang mga atletang Aklanon na sumabak sa Palarong Pambansa 2024.

Ang mga Aklanon athletes ay tumanggap ng cash incentives.

Para sa individual events, ang mga atletang nakakuha ng gold medals ay tumanggap ng P20,000; P15,000 naman para sa silver medals habang ang mga atletang nakabulsa ng bronze medal ay mayroong P10,000.

Sa team events naman, mayroong P15,000 para sa gold medalist, P12,000 para sa silver medalist at P10,000 para sa bronze medalists.

Samantala, nakatanggap naman ng tig-P5K cash incentives ang mga atletang kumatawan sa Aklan sa nasabing sporting events.

“Congratulations ag saeamat gid sa tanan nga mga atletang Akeanon sa manami nga pagrepresenta sa atong probinsyang Akean sa Palarong Pambansa! Bugae kamo it Aklan,” pahayag ni Gov. Joen Miraflores.