Aklan News
AKLANON CADET KABILANG SA MGA NAKAKUHA NG PINAKA MATAAS NA GRADO SA PMA
Malinao Aklan – Isang Aklanon na Cadete na taga Kinalangay Viejo, Malinao ang nakakuha ng pinakamataas na grado sa Philippine Military Academy Masaligan Class of 2021.
Sya ay si CADET 1CL Mae Pearl Alarcon Agustin, 25 anyos ng nasabing lugar.
Si Agustin ay nagtapos bilang Valedictorian noong elementary at high school at nagtapos din na Cum laude sa kursong Bachelor in Secondary Education Major in English sa Aklan Catholic College.
Kumuha din ito ng Licensure Examination for Teachers at nakapasa.
Dahil sa kagustuhan nitong ipag patuloy ang kanyang pangarap pumasok ito sa Philippine Military Academy (PMA).
Si Agustin ay pang lima sa 8 magkakapatid ng mag asawang Elmo at Gerlie Agustin ng Kinalangay Viejo, Malinao.
Mula sa pagsasaka sa palayan ang ipinangtustos ng kanilang ama para sa kanilang pag aaral samantalang nagtatrabaho din ang kanilang nanay bilang isang collector para makatulong sa kanilang pamilya.
Mahirap man ang kanilang pamumuhay pero hindi ito hadlang para abutin ang kanilang pangarap.
“Proud gid ako kay Mae Pearl dahil naabot gid nana ro anang handum sa kabuhi” pahayag ni Tatay Elmo Agustin.
Ayon pa sa ama ni Mae Pearl isang mapagmahal at puno ng pangarap ang kanyang anak para sa kanilang pamilya.