Connect with us

Aklan News

Aklanon Content creator na nag-viral online matapos mag-counterflow sa Kalibo-Numancia Bridge, ipinatawag ng Kalibo PNP

Published

on

PHOTO: Kalibo MPS

Ipinatawag ng Kalibo PNP ang dalawang lalaking content creator kaugnay sa kumalat nilang video online kung saan nag-counterflow ang mga ito sakay ng motorsiklo sa Kalibo – Numancia bridge nitong nakaraang Linggo.

Ayon kay Deputy Chief PMaj. Willian Aguirre, binigyan ng warning ang dalawa dahil sa mga nalabag na traffic regulations at mga banta sa public safety.

Sinasabing, inamin naman ng dalawa ang kanilang maling nagawa at humingi ng pasensya.

Kung maaalala, agad na binura ng mga ito ang nasabing video pero marami na ang nakapanood na ikinaalarma ng mga Aklanon.

Hanggang sa dumating na rin ang report sa mga otoridad at ipinatawag ang mga ito.

Nagsisi na umano ang mga ito sa kanilang ginawa at humingi ng tawad sa publiko.