Connect with us

Aklan News

Aklanon content creator na nakamotor, sumabit sa nakalaylay na kable

Published

on

Sugatan ang isang Aklanon content creator matapos na sumabit ang leeg nito sa nakalaylay na kable sa Brgy. Feleciano, Balete dakong alas-11:00 kagabi.

Napag-alaman na habang sakay ng motor ang naturang content creator ay hindi nito napansin ang nakalaylay na kable sa kalsada.

Dahil dito ay sumabit ang kaniyang leeg ngunit mabuti umano at naitigil din nito agad ang kaniyang motorsiklo kaya’t hindi siya natumba.

Tinulungan naman siya ng ilang mga residente matapos na magtamo ng sugat sa leeg.

Na-ireport na ito sa mga kapulisan at sa ngayon ay inaalam na nila kung anong linya ang nagmamay-ari ng naturang kable.