Aklan News
AKLANON NA HINDI FULLY VACCINATED, HINDI MAKAKAPASOK SA BORACAY
Hindi makakapasok sa isla ng Boracay ang isang Aklanon na hindi fully vaccinated laban sa COVID-19.
Ayon kay Roselle Quimpo Ruiz – Provincial Tourism Officer, dapat fully vaccinated ang isang Aklanon resident na gustong pumunta ng Boracay at may ipapakitang vaccination certificate na kumpleto ang detalye katulad ng kung saang lugar nabakunahan at may contact number para sa pagberipika ng dokumento kung ito ay tunay o peke.
Samantala, para naman sa mga batang may edad mula 11 taong gulang pababa, hindi na kailangan ang VaxCert pero dapat fully vaccinated ang kanilang magulang o guardian na kasama.
Ngunit ang batang edad 12 taong gulang pataas dapat kailangan itong fully vaccinated bago papayagang makapasok sa isla ng Boracay.