Connect with us

Aklan News

Aklanon na nakatanggap ng DSWD Educational cash aid, pumalo na sa 3,679

Published

on

UMABOT na sa kabuuang 3,679 Aklanon ang nabigyan ng educational cash aid ng DSWD simula noong Agosto 20, 127 at nitong Setyembre a-13.

Sa nasabing bilang, 953 na benepisyaryo ay Elementarya, 863 ang High School students, 568 ang nasa Senior High School, at 1,295 naman ang nasa kolehiyo.

Sa kabuuan, mahigit P9,563,000 pesos ng educational cash aid ang naipamahagi sa mga benepisyaryong Aklanon.

Samantala, nilinaw ng DSWD na walang walk-in applicant ang nabigyan ng ayuda kundi tanging ang mga naka-rehistro lamang online at ang mga nakatanggap ng kumpirmasyon sa pamamagitan ng email at text message.

Sa mga nais anila na makapag-avail ng nasabing cash aid ay maaaring magrehistro online nang sa gayo’y maiwasan ang pagdagsa ng mga tao at masigurong nasusunod ang ipinapatupad na health protocols.