Connect with us

Aklan News

AKLANON, NAMAYAGPAG SA 2021 PETER’S PRIZE FOR EXCELLENCE IN WRITING

Published

on

Wagi sa 2021 Peter’s Prize for Excellence in Writing (Covid Literature) ang isang gurong Aklanon, kung saan nanaig ang kaniyang husay laban sa 20 iba pa.

Ang tinanghal na kampeon sa nasabing patimpalak ay si Jonell Segador Gregorio. Si Gregorio ay tubong Altavas at kasalukuyang nagtuturo sa Aklan State University.

Ipinanalo ni Gregorio ang kaniyang akdang “Tumult: Literature Borne of a Pandemic” na ayon sa kaniya ay hango sa kwento ng kaniyang buhay.

Dagdag pa niya, inspirasyon nya ang kaniyang ina. Aniya, “My inspiration is really my mother whose depleting Bungahan mirrored the anxiety we felt during ECQ, and the folks in Ginictan whose lives are so interesting, they need to be captured in writing for the next generation.”

Ang Peter’s Prize for Excellence in Writing ay inilunsad ni Peter Solis Nery, tubong Iloilo at kasalukuyan nang naninirahan sa Estados Unidos. Si Nery ay Carlos Palanca Awards Hall of Fame awardee.

Kabilang din sa mga nagwagi sa nasabing patimpalak ay ang “Lubi-Lubi: Ang Labindalawang Buwan ng Delubyo at Pandemya” ni Kian Sanchez na hinirang sa ikalawang karangalan, at ang “Anatomiya ng Pandemya” ni Maria Kristelle Jimenez na nagwagi naman ng ikatlong karangalan.