Connect with us

Aklan News

Aksidente sa pagitan ng dalawang motorsiklo sa Brgy. Aliputos Numancia

Published

on

 

Sugatan ang dalawang motorista matapos magsalpukan ang kanilang mga motorsiklo sa Brgy. Aliputos, Numancia, Aklan nitong Biyernes ng gabi.

 

Kinilala ang isang motorista na si Ronel Morales, residente ng Brgy. Joyao-joyao, Numancia at nasa impluwensya ng nakalalasing na alak.

 

Habang kinilala namang si alyas “Kenneth” isang delivery rider na residente ng nasabing lugar at sana’y papunta sa isang liga sa Brgy. Dongon, Numancia.

 

Ayon sa mga nakasaksi, magkasalubong ang dalawang motor nang mang-agaw ng linya ang lasing na motorista dahilan ng aksidente.

 

Posibleng bali sa braso at sugat sa may bahagi ng paa ang natamo ng nasabing deliver rider habang sugat rin sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang natamo ng naturang lasing.

 

Samantala, wasak naman ang mga motor ng dalawang rider.

Agad namang isinugod sa ospital ang mga biktima para sa karampatang medikal na atensyon.