Aklan News
AKSIDENTE SA PAGITAN NG TRUCK AT TRAYSIKEL NITONG SABADO, NAUWI SA AREGLO
Banga – Nauwi sa areglo ang nangyaring aksidente sa pagitan ng truck at traysikel nitong Sabado ng hapon sa highway ng Pagsanghan, Banga.
Ayon sa Banga PNP, ipapaayos na lang ng may-ari ng truck ang nasirang traysikel na pagmamay-ari ni Jose De Manuel Jr., 57 anyos ng Magubahay, Batan na napag-alamang nakaparada lamang noon nang mangyari ang insidente.
Kasunod nito, kinumpirma naman ng Banga PNP na kailangang ilipat bukas sa isang pagamutan sa Iloilo si Wilme Rata, 32 anyos ng Linabuan, Norte, Kalibo, na isa sa tatlong pahinante ng truck na nasugatan matapos itong tumagilid.
Malubha umano kasi ang sugat nito sa ulo nangtumilapon sila mula sa sinasakyang truck.
Samantala, nabatid na mga minor injuries lamang ang tinamo ng kanyang mga kasama na sina Alben De Felix, 32 anyos ng Taba-ao, Banga, at Reynold Intano, 47 anyos ng Badiangan, Banga, habang hindi naman umano nasugatan ang kanilang driver na si Christomer Ferier, 37 anyos ng Calizo, Balete.
Magugunita na nangyari ang insidente nang mag-wobble o gumiling ang mga gulong ng truck rason na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa napunta ito sa kabilang kalsada, tumagilid at tumama sa traysikel.
Nabatid na kargado ng 200 hollow blocks at 2 drum ng tubig ang truck na dadalhin sana sa Feliciano, Balete.