Connect with us

Aklan News

Albasan-Camanci Sur Bridge na hindi natapos, delikado sa mga motoristang dumadaan

Published

on

Nababahala ngayon ang mga motoristang dumadaan sa hindi pa natatapos na Albasan-Camanci Sur Bridge.

Hanggang ngayon kasi ayon kay Albasan Brgy. Captain Royden Perlas ay hindi pa tapos nag tulay at nilagyan lang ng contractor ng mga coco lumber para pansamantalang madaan ng mga tao.

Ayon sa punong barangay, dati nang ‘passable’ ang tulay pero giniba ito para gawing mas malaki at malapad na ikinatuwa naman nila lalo na ng mga motorista.

Pero sa ngayon ay naiwang nakatiwangwang ang hindi pa natatapos na tulay kaya nilagyan na lang muna ng kahoy ng contractor na First Makeen Construction para maging band-aid solution.

Peligroso umano ito dahil unti-unti nang nabubulok ang mga kahoy lalo na at tag-ulan na at nakitaan na nila ng butas na posibleng maging ugat pa ng disgrasya lalo na at malapit na ang pasukan.

Hiling ngayong ng kapitan at mga residente sa tinaguriang ‘bridge master’ na si Congressman Ted Haresco na sana’y mabigyan ng solusyon ang kanilang problema sa tulay.

Ayon naman kay Aklan District Engineer Gener Abergas, nasa warranty period pa ang naturang proyekto kaya obligasyon pa itong ayusin contractor. via MAS