Aklan News
ALL TIME HIGH: 6 BAGONG NAMATAY SA COVID SA AKLAN
6 ang namatay sa CoViD-19 sa Aklan mula kahapon. Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon ng Aklan PHO, 5 ang naitala kahapon at isa kaninang umaga.
Dalawa dito ang mula sa Ibajay, 1 sa Banga, 1 mula sa Numancia at 2 sa Kalibo. Agad na dinala ang mga bangkay sa Iloilo para sa cremation base naman sa pinapatupad na protocol.
Dagdag ni Cuachon, ito ang pinakamaraming numero ng namatay sa Aklan simula ng magkaroon ng pandemya noong nakaraang taon.
Sa ngayon may 2502 total confirmed CoViD-19 cases na ng Aklan matapos madagdagan ng 48 kahapon, 2,101 na dito ang naka recover at 344 ang active cases.
Pahayag pa ni Cuachon na supisyente pa ang bed capacity ng CoViD-19 hospital (DRSTMH) pero hindi dapat umano maging kampante ang bawat isa dahil sa patuloy na pag akyat ng mga bagong kaso ng nasabing sakit sa probinsya.
Samantala, nakatakda din umano na magkaroon pagpupulong ang Aklan Provincial Inter-agency Task Force para pag usapan ang estado ng probinsya hinggil sa CoViD-19.
Patuloy rin ang kanyang paalala sa lahat na serosong sundin ang minimum health protocols at manatili na lang sa bahay kung hindi naman essential ang gagawin sa labas.