Aklan News
ALTAVAS PASTOR, INARESTO NG BARANGAY CHAIRMAN DAHIL SA SOCIAL DISTANCING
Altavas – Nasa kostodiya ngayon ng Altavas PNP ang isang pastor matapos arestohin ng barangay chairman pasado alas 5:00 kahapon ng hapon sa Dalipdip, Altavas.
Nakilala ang pastor na si Ivan Yadao, 41 anyos na sinasabing nakipagsagutan pa kay Dalipdip Barangay Chairman Edilberto Domingo.
Base sa police report ng Altavas PNP, pinuntahan ni chairman ang pastor sa kanilang chapel sa Dalipdip upang beripikahin na dinala nito ang kanilang mga miyembro doon para sa isang pagtitipon.
Kasunod nito, nakita umano ni kapitan na hindi sumusunod sa ipinapatupad na social distancing ang pastor, at may mga matatanda at bata ding naroon.
Nagkasagutan umano ang dalawa, hanggang sa pinakita umano ni kapitan kay pastor ang dala niyang kopya ng executive order.
Subali’t kinuha umano ito ni pastor at itinapon sa lupa, rason naman na inaresto na siya ng kapitan kasama ang ilang barangay tanod at kagawad.
Kaugnay pa nito, inihahanda na ng Altavas PNP ang kasong paglabag sa Section 16 ng RA 10951 o Resistance and Disobedience na isasampa nila kay pastor.
Samantala, sinubukan naman ng Radyo Todo na makunan ng pahayag ang pastor, subali’t tumanggi muna siyang magsalita tungkol dito.