Aklan News
Altavas PNP, ‘full force’ para sa kanilang selebrasyon ng Sto. Niño Ati-atihan Festival
“Full force kami dito sa Altavas”.
Ito ang pahayag ni PCapt. Donnie Magbanua, Chief of Police ng Altavas Municipal Police Station may kaugnayan sa kanilang preparasyon sa selebrasyon ng Sto. Niño Ati-atihan Festival sa Enero 21- 22, 2023.
Aniya, simula pa noong Disyembre 2022 sa kanilang opening salvo, nakalatag na lahat ang kanilang mga security measure upang mapanatili ang peace and order sa bayan ng Altavas.
Maliban sa mga miyembro nga Altavas PNP, kaagapay nila ang 1st Aklan Provincial Mobile Force Company, Altavas Municipal Disaster Risk and Reduction Office (MDRRMO), BFP Altavas at mga tanod mula sa lahat ng barangay.
Saad pa ni Magbanua, layunin nilang maging zero major incidents ang nabanggit na pagdiriwang para sa kaligtasan ng lahat ng deboto at bisita.
Samantala, mahigpit ang paalala nito sa publiko na iwasan ang pagdadala ng mga de-botelyang inumin, matatalas na mga bagay gaya ng kutsilyo gayundin na magdala lamang ng bag na transparent sa loob ng festival zone.
“Gusto ko lang ipaabot sa mga gustong dumalo dito [Altavas] na bawal yung mga glass bottle…mga babasagin, tapos yung mga sharp object or kutsilyo tsaka yung bag dapat transparent. Kapag hindi po siya transparent, subject for inspection po siya,” ani PCapt. Magbanua.