Aklan News
ALTAVAS, TIGIL MUNA SA PAGTANGGAP NG MGA LSIs AT APOR
Pansamantala munang ititigil ang pagtanggap ng mga Locally Stranded Individuals (LSI) at Authorized Person Outside Residence (APOR) sa loob ng isang buwan, Pebrero 26 hanggang Marso 26.
Sa Executive Order No. 06 ni Mayor Denny Refol Jr., sinasabi na mayroon ngayong 11 asymptomatic active cases sa munisipalidad batay sa Altavas Municipal Health Office (MHO).
Bukod rito, limitado lamang ang kayang i-accommodate ng Municipal Ligtas COVID-19 Center sa bayan.
Batay rin sa MHO, kasalukuyang naka-facility quarantine ang mga COVID positive sa Altavas.
Dahil dito, ititigil na muna ang pagtanggap ng mga LSIs at APOR mula sa iba’t-ibang lugar.
Continue Reading