Aklan News
AMBAY KILLING: Mark Torrefiel gusto nang magsurrender pero natatakot na lumabas
Nais na umano ng person of interest sa pagpatay kay Bonna Hercia Ambay na si Mark Archie Torrefiel na sumuko sa kapulisan.
Ito ay batay sa pahayag ng kanyang inang si Rexie Torrefiel sa eksklusibong panayam ng Radyo Todo ngayong umaga.
Ayon kay Rexie, tumawag sa kanya ang kalive-in partner ng kanyang anak na si Kristina Oroba nang makarating sa kanila ang kanyang panawagan na sumuko na.
Sinabi sa kanya ni Kristina na naaawa na si Mark sa kanya kaya balak na nitong sumuko sa pulisya.
Saad raw nito, “Naeuoy eon kuno katon si Mark base masurrender eon imaw, ayaw eon mana it inisip hay base maalin ka.”
Aniya pa, humingi ng tawad sa kanya si Mark sa pamamagitan ni Kristina.
“Naeuoy eon kuno imaw kamon nga pamilya man nana ag nagapangayo kuno imaw it patawad sa ana ngato nga hahimuan ag owa na gid kuno ginahungda ag sa amon nga pamilya ron nga haobra nana to nga hadaeahig pa kami nga pamilya,” lahad nito.
Hindi raw umamin si Mark na siya ang gumawa ng krimen pero balak nitong sumuko dahil siya ang itinuturong person of interest sa pagkamatay ni Ambay, “Owa man imaw nag-ako pero dahil ngani imaw ro ginaturo nga suspek hay masabat lang imaw agud indi eon ako magpinabangat.”
Binaggit pa niya na sa ngayon ay natatakot pa umano ang kanyang anak na lumabas at naghihintay ito ng taong makakatulong sa kanya para sumuko.
“Hueata eang mana ma, mabalitaan mo man mana run nga nagsurrender eon kami. Massurrender mana ako kung may tawong makabulig kamon nga makadaea pabali,” saad umano ni Kristina kay nanay Rexie. “Manago anay mana ako dahil sayod ko mana nga patyon gid nanda ako,” pahayag pa nito.
Kung maaalala, si Ambay ay natagpuang duguan at wala ng buhay sa loob ng RD Pawnshop sa Mabini St., Kalibo nitong araw ng Lunes, June 6, 2022.