Connect with us

Aklan News

AMBAY KILLING: Mark Torrefiel posibleng mabulok sa kulungan ng hanggang 60 taon

Published

on

Posibleng magdusa ng hanggang 60 taon sa kulungan si Mark Archie Torrefiel, ang security guard na kumitil sa buhay ni Bonna Hercia Ambay.

Ayon kay Atty. Benjamin Candari, tagapagsalita ng pamilya, hindi niya tatantanan ang suspek hangga’t hindi nito napagbabayaran ang ginawa sa kanyang apo.

Robbery with Homicide ang kasong ikinakaharap ng suspek na may parusang aabot sa 40 taong pagkakakulong at posible pa itong madagdagan ng Violence Against Women and Their Children (VAWC) na may parusang hanggang 20 taong pagkakakulong.

“Ang robbery with violence and intimidation ni klaro man ni ya sa adlaw mo, resulting to homicide, nga Reclusion Perpetua ni ya. Plus ang VAWC – Violence Against Women, kay kagab-i ko lang nadumduman ni ya,” ani Candari.

Sinabi pa ni Candari na dapat pagbayaran ni Torrefiel ang pagpatay sa kanyang apo lalo na at hindi nila nakikita na pinagsisisihan na nito ang krimen.

“Dapat bayaran na gid ya ang ginhimo ya, kay ang itsura niya sini daw wala remorse, daw wala remorse, kun interviewhon mo kulang na lang daw makadlaw pa siya. Malintian gid ni siya. The full force of the law will be applied against him,” saad pa ng lolo ni Bonna.

Kaugnay nito, kinumpirma rin ni Candari na naibigay na nila sa tipster ang ipinangakong reward sa pagturo kay Torrefiel.

Malaki aniya ang naging tulong tipster na hindi na pinangalanan para mahuli ang suspek na nagtago at nahuli sa Laguna.

Kung matatandaan, natagpuang duguan at wala ng buhay si Ambay sa loob ng pinagtatrabahuhang RD Pawnshop sa Mabini St., Kalibo, Hunyo 6 ng umaga.