Connect with us

Aklan News

Ambulansya sinalpok ng pampasaherong traysikel sa bayan ng Kalibo

Published

on

SINALPOK ng pampasaherong traysikel ang isang ambulansiya sa bahagi ng Martelino Street at Archbishop Reyes Street sa bayan ng Kalibo kaninang umaga.

Kinilala ang drayber ng traysikel na si Gabriel Tapal ng Bulwang, Numancia samantalang kinilala naman ang drayber ng ambulansya na si Arnold Martin.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo PNP mula sa C. Laserna Street ang traysikel habang papunta naman sa direksyon ng Dr. Gonzalez St. ang ambulansiya.

Ngunit pagdating sa nasabing lugar ay nagkasalpukan ang mga ito.

Sakay ni Tapal ang kanyang asawa, anak at dalawang kapitbahay ng mangyari ang aksidente.

Napag-alaman na nagmula sa isang pribadong ospital ang ambulansiya ng Sebaste, Antique kung saan naghatid lamang ito ng isang pasyente at pauwi na sana.

Kaagad namang dinala sa ospital ang mga pasahero ng traysikel kung saan matapos malapatan ng karampatang medikasyon ay ini-refer naman ito sa Out-Patient Department.

Samantala, dinala naman sa Kalibo PNP ang mga sasakyang inbolbado sa aksidente kung saan nagkasundo naman ang magkabilang panig na magkaayos na lamang at hindi na maghahain ng reklamo./SM