Connect with us

Aklan News

AMIA idineklarang persona non-grata si Carlo Asturias Aklan Media

Published

on

Idineklarang person non-grata ng Aklan Media Integrated Alliance (AMIA) ang pinatalsik na broadcaster na si Carlo Asturias.

Ito ay dahil sa samo’t-saring panloloko at pang-i-iscam na kinakaharap niya ngayon.

Ayon sa AMIA hindi nila gusto ang paglapastangan at paggamit ni Asturias sa kanyang pagiging mediaman upang makapanloko lalo pa at karamihan ng kanyang mga nabibiktima ay mga taong dumudulog sa media upang magpatulong sa kanilang kinakaharap na mga suliranin.

Anila pa, notorious na si Asturias at matagal ng problema ng Aklan media industry at tinagurian nilang “recidivist” o “incorrigible” na ito.

Dagdag pa nila, binigyan pa si Asturias ng maraming pagkakataon upang ito ay makapagbago at maiayos ang kanyang mga isinagawang panloloko ngunit sa kabila nito ay patuloy parin ito sa kanyang “notorious” na gawain.

Dahil dito, nagdesisyon ang AMIA na ideklarang persona non-grata o unwelcome sa Aklan media industry si Asturias upang hindi na muling magamit pa ang pagiging media sa kanyang mga panloloko.