Aklan News
ANAK, NANUNTOK NG SARILING INA, NAHULIHAN NG MARIJUANA
Mahaharap sa kasong Less Serious Physical Injury ang suspek matapos nitong suntukin ang sariling ina, at paglabag sa Section 11 ng PD 1605 o Illegal Possession of Ilegal Drugs ang matapos namang mahulihan ng hinihinalang Marijuana.
Nangyari ang insidente bandang ala 1:00 kaninang hapon sa Linayasan, Altavas, kung saan nakilala ang suspek na si Arthur De Pedro, 42 anyos ng nasabing lugar.
Sa panayam ng Radyo Todo sa ina ng suspek, nagulat na lamang umano siya nang suntukin sa ulo ng sarling anak sa di malamang dahilan.
Dahil dito, kaagad umano siyang tumakas bago personal na nagtungo sa Altavas PNP.
Kaagad namang nirespondehan ng mga pulis ang insidente, kung saan naaresto ang suspek at dinala sa presento.
Samantala, minarapat munang rekisahin ang suspek bago ipasok sa piitan at doon umano nakuha sa kanyang bulsa ang isang nirolyong papel na naglalaman ng hinihinalang marijuana.
Dahil dito, nakatakdang isailalim sa laboratory test ang nasabing droga, at ipapa drug test naman ang suspek, pagkatapos siyang ma-inquest bukas.
Samantala, ayon pa sa ina ng suspek, posibleng epekto ito ng paggamit umano nito ng ipinagbabawal na droga.
Desidido naman ang ina na sampahan ng kaso ang kayang anak.