Connect with us

Aklan News

Anak ng binaril-patay noong Setyembre, binaril patay-din ng riding in tandem

Published

on

Malapitang pinagbabaril ng riding in tandem ang isang lalaking nagtitinda ng barbecue kagabi sa Brgy. Lapnag, Banga.

Patay ang biktimang si Ace Gumban, 37 anyos ng Lapnag, Banga matapos magtamo ng di bababa sa apat na tama ng baril ayon kay PSSgt. Danilo Dalida.

Batay umano sa mga testigo, dalawang indibidwal na sakay ng motor ang lumapit at bumaril sa biktima ng malapitan dakong alas 5:30, Huwebes ng hapon.

Parehong nakasuot ng long pants, itim na jacket at full faced helmet ang mga ito kaya walang nakakita sa mukha ng mga suspek.

Mabilis na tumakas ang dalawang gunmen sakay ng itim na motorsiklo na walang plate number papunta sa direksyon ng Brgy. Polo.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang apat na basyo nga kalibre 45 na baril at slugs ng 9mm na baril.

Naniniwala ang mga kapulisan na konektado ang pamamaril sa biktima sa nangyaring pagpatay sa kanyang amang si Armando Gumban alyas “Bonjing” na binaril-patay rin noong Setyembre sa Polocate, Banga.

Batay kay PSSgt. Dalida, pareho ang paraan ng pagpatay sa mag-ama at si Ace ang tumatayong complainant sa kaso ng kanyang ama.

“Ro kaso abi ni tatay na kara, napasaka na ko October eang, regular filling ro pagpasaka it kaso. Daywa ro hakasuhan, indi pa mapangaeanan. Hatigayon anda pagpasaka it kaso ag sa impormasyon hay ku November nag abot ang subpoena halin sa piskalya, ang biktima ang nagtindog nga complainant sa pagpamaril kay tatay na,” pahayag ni Dalida.

Batay sa pulisya, umuusad na ang kaso sa pagpatay kay Bonjing at napadalhan na ng subpoena ang dalawang itinuturong mastermind sa krimen.

Sa ngayon ay kinukumpirma pa nila kung galing sa iisang baril ang mga basyong ginamit sa pagpatay sa mag-ama.

Away sa lupa at magpamilya ang itinuturong motibo sa krimen.

“Ro motibo sa tatay nga nakita namon is about sa eugta ag sa pinamilya nga problema sa Brgy. Polocate, connected ra sa natabo sa ana nga unga dahil ngani ra ana nga unga ro nagtindog nga complainant sa kaso.”