Connect with us

Aklan News

Ang tulong panghanapbuhay sa ating Displaced/Disadvantaged Worker Program #Barangay Ko, Bahay ko (TUPAD #BKBK) ng DOLE

Published

on

DOLE-TUPAD-Program

Ang tulong panghanapbuhay sa ating Displaced/Disadvantaged Worker Program #Barangay Ko, Bahay ko (TUPAD #BKBK) ay isang safety net program ng DOLE para sa mga manggagawang nasa impormal na sektor na nawalan o naapektuhan ang kabuhayan sanhi ng pag-papatupad ng Enhanced Community Quarantine laban sa COVID-19.

Ang mga kwalipikadong benipesyaryo ay maaring mag-trabaho sa loob ng sampung araw(10) na pasasahuran ng minimum wage. Ang pasahod ay sa pamamagitan ng money remittance service provider.

Pangunahing gagawin ng mga kwalipikadong benepisyaryo ay ang pag-disinfect at pag-lilinis ng kanilang mga tahanan at kapaligiran. Ito ay kailangang isagawa sa tulong ng Local Health Offices upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Bukod sa pasahod, ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay bibigyan din ng mga sumusunod:

  1. Polyeto (Brochures/Flyers) tungkol sa Kaligtasan at Kalusugan
  2. Gamit sa pag-lilinis

Ang interesadong local na pamahalaan ay kailangang mag-sumite ng mga sumusunod na dokumento sa pinaka-malapit na DOLE Regional/Provincial/Field Offices.

  1. Work Program
  2. Beneficiary Profile Form
    Opsyon 1. Ang mga benepisyaryo ay maaaring mag-punta sa kanila Barangay upang mag-palista at sagutan ang form. Dapat ipatupad ang social distancing na hindi kukulangin sa isang (1) metrong distansya sa bawat benepisyaryo habang isinasagawa ang mga nabanggit.
    Opsyon 2. Ang lokal na Pamahalaan ang pupunta sa tirahan ng mga benepisyaryo upang pasagutan ang form.

PAALALA:
Mga benepisyaryo lamang na inindorso sa DOLE ng lokal na pamahalaan ang maaring mabigyan ng tulong sa ilalim ng programa.

Frequently Asked Questions

1. Ano ang TUPAD #Barangay Ko, Bahay Ko (TUPAD #BKBK) Project?

  • Ang TUPAD #Barangay Ko, Bahay Ko (TUPAD #BKBK) ay isang safery net program ng DOLE para sa mga manggagawang nasa impormal na sektor gaya ng underemployed at self-employed workers na nawalan o naapektuhan ang kabuhayan o kita dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine upang pigilin ang pagkalat ng COVID-19.
  • Kabilang sa sektorang ang mga self-employed, direct hire or occasional workers, house helpers, transport drivers (e.g. PUVs, TNVS, Pedicab, Tricycle atbp.), small enterprise operators, home workers, sub-minimum wage earners, magsasaka, mangingisda, atbp.

2. Maaari bang mag-qualify ang mga freelancer, barangay health workers at barangay tanod?

  • Ang mga barangay health workers at tanod na tumatanggap lamang ng honorarium o allowance mula sa Barangay-LGU ay maaring makilahok sa proyekto.
  • Ang freelancer ay tinuturing na self-employed workers kaya maari rin silang mag-qualify sa proyekto.

3. Lahat ba ng mga manggagawa sa impormal na sektor ay makakapag-qualify sa proyekto?

  • Hindi na qualified sa TUPAD #BKBK ang mga indibidwal na nakakuha na ng tulong mula sa mga sumusunod na programa:
    1. Benepisyaryo ng Expanded and Enhanced Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps)
    2. Benepisyaryo ng DOLE-COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP)
    3. Benepisyaryo ng DSWD – Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)
    4. Benepisyaryo ng Cash Assistance ng DA para sa mga magsasakang nagtatanim ng palay.

Note: Ang kabuuang tulong na matatanggap ng isang pamilya mula sa pinag sama-samang tulong mula sa LGU, DSWD (food and non-food items) at DOLE-TUPAD #BKBK ay hindi dapat lalagpas sa Php 5,000.00- Php 8,000.00 depende sa itinakdang limit sa bawat:

REGIONSubsidy amount in pesos per month (per household)
NCR
8,000
CAR5,500
15,500
25,000
36,500
4A6,500
MIMAROPA5,000
55,000
66,000
76,000
85,000
95,000
106,000
116,000
125,000
CARAGA5,000

4. Anong matatanggap namin mula sa aming paglahok sa proyekto?

  • Makakatanggap ang mga benepisyaryo ng sahod alinsunod sa umiiral na pinaka-mataas na minimum wage sa inyong rehiyon.
  • Bukod dito, bibigyan rin kayo ng polyeto (Brochures, Flyers) na naglalaman ng impormasyon tungkol sa Kaligtasan at Kalusugan at mga kagamitan sa paglilinis.

5. Ilang miyembro ng pamilya ang maaaring makapag-trabaho sa ilalim ng TUPAD #BKBK?

  • Isang miyembro lamang ng pamilya kada bahay ang maaring mag-trabaho sa ilalim ng TUPAD #BKBK.

6. Anong inaasahang trabaho ang ibibigay sa amin sa TUPAD #BKBK Project?

  • Ang pangunahing trabaho ng mga benepisyaryo ng TUPAD #BKBK ay ang pag-lilinis at pag-disinfect ng kanilang mga tahanan at kapaligiran sa loob ng sampung (10) araw.

7. Aabutin ba ng buong araw ang trabaho?

  • Hindi, maglilinis ang bawat benepisyaryo ng hindi hihigit sa apat(4) na oras kada araw.

8. May kagamitan ba ng ibibigay sa amin sa paglilinis ng aming tahanan at kapaligiran?

  • Maaring magbigay ang DOLE, LGU, o iba pang Accredited Co-Partner (ACP) ng sanitation materials at accessories (e.g. cleanig solutions) na gagamitin sa paglilinis.

9. Paano namin matatanggap ang sahod?

  • Makukuha ninyo ang inyong sahod sa pamamagitan ng money remittance service provider o direct cash payout.

10. Hindi ba makokompromiso ang aming kalusugan kung kami ay lalahok sa programa?

  • Ang pag-tatrabaho ay isasagawa sa ilalim ng pangangasiwa ng Local Health Offices at mahigpit na ipapatupad ang hindi kukulangin sa 1- metrong distansya sa bawat benepisyaryo sa panahon ng pamimigay ng polyeto (Brochures/Flyers), pagsasagawa ng trabaho, at pagbibigay ng sahod, upang masiguro ang kaligtasan ng mga benepisyaryo.

11. Paano makakakuha ng tulong sa ilalim ng TUPAD #BKBK?

  • Maaari kayong makipag-ugnayan sa LGU/BLGU upang mag-patala at mag-sagot ng mga forms o kaya naman ay ang mismong LGU/BLGU ang pupunta sa inyong bahay upang ipatala kayo.
  • Ang interesadong lokal na pamahalaan ay kailangang mag-sumite ng mga sumusunod na dokumento sa pinakamalapit na DOLE Regional/Provincial/Field Offices sa inyong lugar:
    1. Letter of Intent
    2. TUPAD Work Program (Enhanced OSEC-FMS Form No. 3)
    3. Summary of List of Beneficiaries (Enhanced OSEC-FMS Form No. 4)

12. Paano beberipikahin ang mga tulong na aming natanggap mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno?

  • Magbibigay ng Social Amelioration Card ang lokal na pamahalaan kung saan ay doon itatala ang mga tulong na natanggap ng bawat pamilya mula sa mga ahenysa ng pamahalaan.

Source: DOLE