Aklan News
ANIM KASAMA ANG 1 MENOR DE EDAD, KALABOSO DAHIL SA ILEGAL NA SUGAL
Numancia – Lima ang sasampahan ng kaso ngayong araw sa paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Law, habang ipinagkatiwala na sa DSWD o Social Welfare and Development ang isang menor de edad na dinakip ng mga pulis dahil sa ilegal na sugal kahapon ng hapon sa Poblacion, Numancia.
Ayon sa Numancia PNP, natunugan umano nilang naglalaro ng Bingo ang mga suspek kasama ang minor de edad sa isang kubo doon rason na ikinasa nila ang isang anti-illegal gambling operation.
Kaugnay nito, inaresto ang 5 suspek at dinala sa presento ng Numancia PNP, kasama ang minor de edad.
Kinumpiska rin ng mga pulis ang mga Bingo Cards na ginamit ng mga suspek, Bingo plastic chips, at lalagyan nito, P530.00 na perang pusta nila pati na ang kahong lalagyan nito.
Pansamantalang ikinustodiya ng Numancia PNP ang mga suspek maliban sa minor de edad.