Connect with us

Aklan News

ANIM NA SABONGERO, TIKLO DAHIL SA ILIGAL NA TUPADA

Published

on

iligal na tupada

Numancia – Tiklo ang 6 na sabongero dahil sa iligal na tupada kaninang hapon sa Brgy. Camanci Sur, Numancia.

Kinilala ng Numancia PNP ang mga naarestong sina Nikko Patilla, 18 anyos ng Camanci, Norte, Numancia; Ricky Estores, 52 anyos ng Mobo, Kalibo; John Collins Dela Cruz, 21 anyos ng Poblacion, Kalibo; Armanie Tabasa, 23 anyos ng Bulwang, Numancia; Charles Fuentes, 18 anyos ng Mobo, Kalibo, at Julmel Macabante, 21 anyos ng Mobo, Kalibo.

iligal na sabong photo

Ayon sa Numancia PNP, kaagad nilang ikinasa ang Anti-Illegal Gambling Operation matapos matanggap ang sumbong mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) na may nagsasabong sa naunang nabanggit na lugar.

Kasunod nito, unang naaresto ang naunang lima, subalit nakatakas naman umano si Macabante na naaresto naman alas 7:30 nitong gabi sa kanilang bahay sa Mobo.

illigal na sabong photo 2

Narekober naman ng mga pulis ang 5 panabong na manok, mga tari at iba pang cockfighting paraphernalia, at kabuuang P2,138.00 na pera.

Kaugnay nito, pansamantalang ikinustodiya sa Numancia PNP ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 449 o Cockfighting Law of 1974 na isasampa sa kanila bukas.