Aklan News
Animal bite treatment center sa Tangalan, pormal ng binuksan


BUKAS na sa publiko ang Animal Bite Treatment Center ng bayan ng Tangalan matapos it pasinayaan, kahapon, araw ng Martes, Mayo 20.
Layon nitong tugunan ang tumataas na animal bite cases sa naturang bayan.
Mananatili namang bukas ang Animal Bite Treatment Center kada Martes at Biyernes kung saan ilan sa mga serbisyo nito ay Wound Care and Management, Anti-Rabies Vaccination at Rabies Prevention Education.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng Tangalan Rural Health Unit katuwang ang Local Government Unit ng Tangalan.
Dinaluhan naman ang launching ceremony ng mga lokal na opisyal ng Tangalan gayundin ng mga kinatawan mula sa Department of Health. l Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading