Connect with us

Aklan News

Antigen test requirement sa mga Aklanon workers na tatawid ng Boracay, suspendido na – Mayor Bautista

Published

on

SUSPENDIDO na ang mandatory Antigen test requirement sa mga Aklanon workers bago makapasok sa isla ng Boracay.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Malay Mayor Frolibar Bautista, kinumpirma ng alkalde na dalawang linggo nang itinigil ang pag-require ng antigen test sa mga manggagawang Aklanon na tatawid sa Boracay mula sa mainland Aklan.

Pwede na rin aniya na makapasok sa isla ang mga non-Malaynon workers na hindi pa nababakunahan ng kahit na first dose manlang kung sila ay may hawak na letter request mula sa kanilang establisyementong pinagtatrabahuhan na pinapabalik na sila sa trabaho.

Lahat umano ng mga empleyado na walang hawak na request ay hindi papapasukin sa isla.

Kaugnay nito, nasa 78% na ang mga Boracay workers na nabakunahan kontra COVID-19.

Hindi pa rin maaari na magbukas ang mga accommodation establishments sa sikat na Boracay Island ngayong parehong naka-MECQ pa ang Aklan at Metro Manila.

Matatandaang noong Agosto 2, 2021, naglabas ang LGU Malay ng Executive Order No. 031 na naglalayong gawing mandatory requirement ang antigen test sa mga Aklanon workers na pupunta ng Boracay Island.