Connect with us

Aklan News

Antigong santo sa chapel ng Brgy. Agbago, Ibajay, umano’y ninakaw

Published

on

Labis ang pagkadismaya ng mga taga Brgy. Agbago, Ibajay matapos madiskubre kahapon na nawawala ang kanilang antigong santo sa loob ng chapel.

Batay sa social media post ng SPYM Agbago, napansin nalang kahapon na wala na ang santo ni “FATIMA” Birhen Maria at ang tanging naiwan na lang ay ang salaming kahon nito.

Napag-alaman na ilang dekada nang naroon ang santo sa kapilya at ilang bagyo narin at iba pang kalamidad ang nagdaan ngunit hindi naman umano ito nawala.

Hinala ng mga ito na posibleng ninakaw ang naturang santo.

Sa ngayon ay naka-record na ang insidente sa Baranggay gayundin sa Ibajay Municipal Police station para maimbestigahan ang nangyari.

Samantala, patuloy naman ang kanilang panawagan na kung sino man ang makakita ay ipagbigay-alam agad sa mga otoridad.