Connect with us

Aklan News

APAT KATAO, ARESTADO DAHIL SA PAGLABAG SA QUARANTINE PROTOCOL

Published

on

Lezo, Aklan – Apat ang arestado dahil sa paglabag sa quarantine pasado alas 5:00 kahapon ng hapon sa Mina, Lezo.

Nakilala sa police report ng Lezo PNP ang mga suspek na sina Cyrus Jym Rogano, 18 anyos, Peter Rogano, 22 anyos, at Ronie Vasquez, 34 anyos, lahat mga taga Navitas, Malinao, at Ruben Perez, 52 anyos ng C.Laserna St., Poblacion, Kalibo.

Itinimbre umano ng isang barangay kagawad sa mga pulis ang impormasyon na may tupada o ilegal na sabong sa Mina, Lezo.

Kaagad rumesponde ang mga pulis kung saan naabutan ang mga suspek at nakita ng mga pulis ang tatlong karton na nakatali sa tatlong motorsiklo.

Nang beripikahin, doon na umano nalaman na mga sigarilyo pala ang laman ng mga nasabing karton.

Kaugnay pa nito, napag-alamang pinadeliver umano ni Ronie Perez sa trisekel driver na si Vasquez mula sa Kalibo ang mga nasabing sigarilyo.

Hinanapan din ng quarantine pass ang mga suspek, subalit si Perez at Vasquez lamang ang meron.

Kasunod pa nito, ipinaliwanag sa mga suspek ang kanilang paglabag at aarestuhin na sana, subali’t nanlaban pa umano ang mga ito.

Tuluyan parin silang naaresto ng mga pulis at pansamantalang ikinustodiya sa Lezo PNP Station para sa karampatang disposisyon.