Connect with us

Aklan News

Apat na bahay nilamon ng apoy, danyos pumalo sa P2.4 milyon

Published

on

PHOTOS: Banga FireStation

Pumalo sa kabuuang P2.4 milyon ang danyos na iniwan ng sunog kahapon sa may boundary ng Tabayon at Pagsanjan, Banga.

Batay kay FO2 Climent Catunao ng Banga Firestation, nakatanggap sila ng tawag dakong alas-4:37 kahapon na may nangyayaring sunog sa lugar.

Kinilala ang mga may-ari ng bahay na sina Christopher Rodriguez, Warren Dominguez, Jomari  Dominguez at Irene Dominguez.

Sinasabing nagmula ang apoy sa isa sa mga silid ng bahay ni Irene.

Umabot sa second alarm ang sunog na nirespondihan ng Balete, Kalibo, Numancia Firestation at Estancia Substation.

Dakong alas-7:00 na ng gabi nadeklarang fireout ang sunog.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad kung ano ang sanhi ng apoy.