Aklan News
APAT NA KASO NG FIRECRACKER INCIDENT NAITALA SA AKLAN KASABAY NG SELEBRASYON NG BAGONG TAON
Umabot sa apat na indibidwal ang nabiktima ng paputok mula sa iba’t-ibang bayan sa Aklan kasabay ng pagdiriwang ng Bagong Taon.
Unang dinala sa Aklan Provincial Hospital, bandang alas-3:00 ng hapon ng Disyembre 31 ang biktimang si Sonny Zarandona, 37-anyos, residente ng Barangay Pook, Kalibo matapos matalsikan ng paputok na five star sa kanyang mata.
Masuwerteng minor injury lamang ang tinamo ng biktima kaya’t matapos na mabigyan ng karampatang medikasyon ay ini-refer naman ito sa Out-Patient Department (OPD).
Sunod na isinugod sa ospital alas 7:58 ng naturang araw ang biktimang si Melchor Tasoy, 41-anyos matapos maputukan ang whistle bomb ang kanyang kamay kung saan sugatan ang tatlo nitong daliri.
Samantala, sa pag bungad ng taong 2022, isang 49-anyos na barangay tanod mula sa barangay Arkanghel, Balete ang nabiktima ng paputok.
Sinasabing pinulot umano ni Alberto Marcelino ang hindi pumutok na paputok ngunit nang hawakan niya ito ay saka lamang pumutok.
Sa barangay Agbago, Ibajay naman ay aksidenting naputukan ang biktimang si Ramon Salido, 61 anyos matapos hindi nito naihagis ang hawak na paputok matapos sindihan.
Sa ngayon, ang tatlong biktima ng paputok ay nananatiling naka-confine sa Aklan Provincial Hospital para sa karampatang paggamot at nagpapagaling.