Connect with us

Aklan News

Apat na nakaparadang motorsiklo, sinagi ng isang traysikel at sinipa ng isang pasahero

Published

on

Sinagi ng isang traysikel at sinipa pa ng isang pasahero nito ang apat na motorsiklo na nakaparada sa harap ng Mugs and Wheels, Veterans Avenue Brgy, Poblacion Kalibo kaninang alas 3:30 ng madaling araw.

Ayon sa report ng pulis, nakatanggap sila ng tawag na may kaguluhan na naganap sa harap ng establisyemento.

Lumalabas sa imbestigasyon na sinagi ng traysikel na minamaneho ni Danilo Morales ang apat na motorsiklo.

Natumba ang mga motor pero hindi pa nakuntento ang isang pasahero ng traysikel na si Justine Madamo na bumaba at saka sinipa ang mga motor bago umalis.

Hinabol naman ng mga may-ari ng motorsiklo ang traysikel pero bumaba pa si Madamo para makipag-away at nakipagsuntukan sa isa sa mga may-ari.

Kaugnay nito, nasira ang break lever at nabasag ang cover ng isang Yamaha Mio, bahagya ring nasira ang tubo at nagasgasan ang takip ng isang Honda Click 125.

Dinala kalaunan ang mga suspek at complainant sa Kalibo Police Station para sa karampatang disposisyon, samantala ni-refer naman ang kaso sa Barangay Justice System.