Connect with us

Aklan News

APAT NA PASAHERO SA MGA TRAYSIKEL, PWEDE NA

Published

on

Traysikel
File Photo| Diadem Paderes/Radyo Todo Aklan

Mas maraming pasahero na ang papayagang makasakay sa mga traysikel sa lalawigan ng Aklan ngayong nasa ilalim na ito ng Alert Level system Number 2.

Batay sa abiso na inilabas ni Aklan Governor Florencio Miraflores kahapon maari nang magsakay ng apat na pasahero ang mga tricycle.

Mananatili namang isa ang pasahero na maaaring umangkas sa mga pribadong motor, samantala sa mga habal-habal naman ay dedepende sa regulasyon na ipatutupad ng mga LGU.

Ang mga multicab, jeepney, van, mini bus at regular bus ay papayagan ang 70% seating capacity sa mga pasahero.

Lima na rin ang makakasakay sa mga pribadong sasakyan kabilang na ang driver.

Samantala nakasaad din sa abiso na mas pinaikli na ang curfew hours sa lalawigan mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw habang mas pinahaba naman ang mga business hours mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.