Connect with us

Aklan News

APAT, SUGATAN MATAPOS MAGSALPUKAN ANG 2 MOTORSIKLO

Published

on

Motorcycle Accident

Banga – Confined pa ngayon sa ospital ang dalawa sa apat na nasugatan sa nangyaring aksidente sa bahagi ng highway Pagsanghan, Banga.

Nakilala ang mga biktimang naka confined na sina Mark Anthony Sailog, 25 anyos ng Galicia, Madalag, at ang 15 anyos na si Starlyn Arboleda ng naunang nabanggit na lugar.

Nakilala naman ang kani-kanilang kasama na sina Ruper Cadigal, 20 anyos na siyang angkas sa motorsiklo at kababaryo mismo ni Sailog, at John Michael Rabanes, 21 anyos ng Pagsanghan, Banga at siyang driver ng motorsiklong sinasakyan ni Arboleda.

Base sa imbestigasyon ng Banga PNP, galing Banga at papuntang Balete sina Sailog at Cadigal, subalit lumiko umano ang mga ito para dumaan sa isang kamag-anak nang aksidenteng nabangga ng nagmomotorsiklong sina Rabanes.

Resulta, kapwa tumumba sa kalsada ang kani-kanilang motorsiklo at nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Kaagad silang dinala sa ospital, subalit hindi na naiconfine si Cadigal at Rabanes dahil mga minor injury lamang umano ang kanilang tinamong sugat.

Samantala, ayon pa sa Banga PNP, ngayong araw pa isasa-pinal ang magiging disposisyon ng magkabilang panig kaugnay sa nangyaring aksidente.