Aklan News
APELA NG BORACAY STAKEHOLDERS: LIQUOR BAN TANGGALIN, CURFEW PAIKLIIN
Nag-apela ang Philippine Chamber of Commerce and Industry Boracay (PCCI-Boracay) sa Aklan Province na tanggalin ang liquor ban at paiiksiin ang curfew hours sa isla.
Sa isang sulat ng PCCI-Boracay para kay Governor Florencio Miraflores, nagpasalamat ito sa pagsasaalang-alang ng lokal na pamahalaan sa turismo ng isla sa bagong Executive Order 005-C.
Pero batay sa nabanggit na EO, ipinagbabawal na ang pagbebenta ng alak at pag operate ng mga bars sa Aklan.
Kaya inirekomenda nila na tanggalin ang liquor ban sa mga DOT accredited hotels na may authority to operate at mga compliant restaurants at bars na may Municipality of Malay’s Certificate to Operate.
“PCCI-Boracay would like to recommend that the liquor ban not apply to Boracay Island DOT accredited Hotels with Authority to Operate and compliant restaurants/bars that hold Municipality of Malay’s Certificate to operate compliance certificate under Malay Inter-Agency task Force against COVID-19 guidelines under Executive Order No. 27 Series of 2020,” saad sa sulat.
Nakalahad dito na ang mga establisimentong ito ay mayroong certificates mula sa gobyerno bilang patunay na nasusunod ang mga safety health standard protocols.
Bukod dito, inirekomenda rin ang pagpapaikli ng curfew hours sa Boracay mula ala-1:00 ng madaling araw hanggang alas-4:00 ng madaling araw.
Nakalagay sa EO No. 005-C na ang curfew hours ay 9:00 PM to 5:00AM, ginawa naman ito ng LGU Malay na 10:00 PM to 5:00 AM.
“Tourist coming from Manila are tested, and after NCR+ lockdowns, they are coming to Boracay to have a good time. A curfew hour for fully tested tourist might send the wrong message and be unwelcoming; and may result in fewer guests coming to Boracay Island,” lahad pa nito.
Nais rin nila na hilingin ang ‘free movement’ sa Boracay Island at ikunsidera ang mandatory testing sa lahat ng indibidwal na papasok sa isla.
Ngunit hindi naman nila tinukoy kung ano ang uri ng Covid test ang dapat gawin sa mga hindi turista.