Aklan News
Apela ng Malay Council na ibalik ang fireworks show sa Boracay, ‘di pinagbigyan ng Task Force
Malay, Aklan – Sa ikalawang pagkakataon ay hindi pinagbigyan ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) ang hirit ng LGU-Malay na maibalik ang magarbong fireworks show sa pagsalubong ng bagong taon sa Boracay island.
Ayon kay Malay Acting Mayor Frolibar Bautista, hindi pinahintulutan ni environment secretary Sec. Roy Cimatu ang apela kasunod ng Executive Order 28 na nagbabawal sa anumang firecrakers at fireworks display sa bagong taon lalo na ang pagsasagawa nito sa dagat.
Simula noong April 2018, ipinagbawal na sa Boracay ang naturang aktibidad dahil sa massive rehabilitation at layunin na mapangalagaan ang mga paniki sa isla.
Sa kabila nito ay napagkasunduan na lamang ng mga opisyal na ipagpatuloy ang fireworks display sa mainland Malay kagaya ng nakaraang taon.
Sikat ang isla hindi lamang sa puting buhangin nito kundi pati na rin sa taunang fireworks display na inaabangan ng mga turista mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.