Aklan News
APELA NG PCSO, PAYAGAN NA ANG LOTTO, STL AT IBA PANG LEGAL GAMES SA AKLAN
HUMILING ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kay Governor Florencio Miraflores na payagan na ang pag-operate ng Lotto, Keno, STL at iba pang legal na laro sa ilalim ng ahensya.
Sa panayam ng Radyo Todo kay John Martin Philemon Alipao, Financial Management Officer I ng PCSO Aklan, kinumpirma niya na nagpadala sila ng sulat sa gobernador para humingi ng konsiderasyon kaugnay sa pagbalik ng operasyon ng mga laro sa ilalim ng PCSO.
Patuloy raw kasi aniya ang kanilang pagbibigay ng medical assistance at pagpondo sa mga health programs ng gobyerno kahit na wala na silang kita dahil tanging ang mga gaming operations lang ang kanilang pinagkukunan ng pera.
Kaya nag-apela ito sa gobernador na i-exempt na rin ang mga laro sa Executive Order No. 022 seriesof 2021 na nagbabawal sa operasyon ng mga casino, lottery at mga patayaan mula Setyembre 8-30.
Sisiguraduhin daw ng PCSO Aklan na nasusunod ang minimum health standard protocols sa lahat ng aktibidad.
Narito ang sulat na ipinadala ng PCSO kay Governor Florencio Miraflores: