Connect with us

Aklan News

Approach ng tulay na nasira sa Sitio Pigado, Brgy. Bakhaw Sur sinimulan ng ayusin

Published

on

Sinimulan ng ayusin ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang nasirang approach ng tulay sa Sitio Pigado. Barangay. Bakhaw Sur.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Hon. Mark Sy, Spokesperson ng Office of the Municipal Mayor, inihayag nito na tinatayang matatapos ang pagsasa-ayos ng naturang tulay sa loob ng 15 hanggang 20 araw.

Aniya pa, mahigit P600K ang pondong inilaan ng LGU Kalibo para dito.

Matatandaang gumuho ang approach ng tulay noong Abril 2022 kung saan kaagad itong binigyang-aksyon ni Mayor Sucro sa kanyang pag-upo bilang alkalde ng Kalibo.

Itinuturong dahilan noon ng pagguho ng approach ng tulay ang sunod-sunod na pag-ulan.