Connect with us

Aklan News

ARC, MULING NATAKASAN NG PRESO

Published

on

Kalibo, Aklan – Muli na naman umanong natakasan ng preso ang ARC o Aklan Rehabilitation Center.

Bagama’t nananatiling tikom ang bibig ng mga taga ARC tungkol dito, napag-alamang murder case at homicide ang kinakaharap ng puganteng si Victor Tropa (aka Jose Tropa alyas “Botsoy”) ng Agbalogo, Makato na sinasabing nakatakas mula sa kasamang jailguard escort nitong si Igmedio Torda nakaraang araw ng Linggo.

Base pa sa impormasyon, pabalik na ang preso at jailguard mula sa court hearing nito sa Manila nang makatakas umano ito pagdating nila sa Batangas.

Magugunitang natakasan ng preso ang ARC kamakailan lang habang may isinasagawang religious activity doon.

Samantala, patuloy na nakikipag-ugnayan ang himpilang ito kay Provincial Jail Warden Pedrito Escarilla subalit hindi siya sumasagot sa aming mga text at tawag.

Maliban sa kasong murder at homicide sa Aklan, may kinakaharap rin itong paglabag sa RA 9262 sa Manila.