Connect with us

Aklan News

ARMY RESERVIST, ARESTADO SA PAGBEBENTA NG BARIL

Published

on

ARMY RESERVIST, ARESTADO SA PAGBEBENTA NG BARIL

Lezo – ‘Himas-rehas ang inabot ng isang kusinero ng simbahan matapos umanong mahulihan ng baril pasado alas 5:00 nitong hapon sa Bugasungan, Lezo.

Sa joint operation ng Aklan PPO at Lezo PNP, naaresto ang suspek na si Raban Dela Cruz, 53 anyos ng Kinalangay Nuevo, Malinao at narekober ang isang calibre .22 baril kapalit ng P6,000.00 na buy bust money, kasama ang 8 bala nito.

Nang isagawa naman ang mandamyento de rekisa, narekober sa tool box ng minamaneho nitong traysikel ang isang calibre .45 na may magazine na naglalaman ng 4 na bala, at 1 pang magazine na may 3 bala.

Samantala, bagama’t aminado ang suspek na sa kanya ang mga nasabing baril, mariin naman nitong itinanggi na nagbibenta siya nito.

Sinabi din nito na naibenta sa kanya noon ang calibre .22 habang binili umano niya ang kalibre .45 baril kamakailan lang dahil required umano ito sa kanya bilang army reservist.

Maliban dito, iginiit din ng suspek na personal umano niya ang narekober na pera kung saan P5, 000.00 umano nito ang sa sahod niya bilang kusinero at inipong pera ang P1,000.00.

Ayon naman sa mga taga Aklan PPO, matagal na rin umano nilang sinusubaybayan ang aktibidad ng suspek na tinuldukan ng isang buy bust operation.