Connect with us

Aklan News

AS OF MARCH 27: 34 ANG PUI SA AKLAN

Published

on

Kalibo, Aklan – Naka- quarantine ngayon ang 34 na mga Aklanon sa kani-kanilang tahanan matapos magpakita ng mild symptoms at nagpacheck up sa Aklan Provincial Hospital.

Ayon kay Aklan Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon Jr., nasa mandatory 14 days strict home quarantine ang mga ito at minomonitor at iniimbestigahan ng mga Brgy. Health Emergency Response Team.

Nilinaw ni Dr. Cuachon na hindi kinunan ng specimen sample ang mga ito dahil walang sapat na testing kit ang gobyerno at ang guidelines ay dapat ang mga nakaconfine lang sa hospital ang ipapatest dahil malala ang kanilang sintoma.

Sa ngayon, isa na lang ang nakaconfine na PUI sa Aklan Provincial Hospital at hinihintay na lang ang resulta ng specimen sample test nito na isinasagawa ng West Visayas Medical Center sa Iloilo City.

Muling nanawagan si Cuachon sa mga mamamayan ng Aklan na panatilihin ang Social Distancing at manatili lang sa bahay kung wala namang importanteng dahilan para lumabas.