Aklan News
ASF nakapasok na sa mga bayan ng Makato, Batan at Tangalan
Kinumpirma ni Office of the Provincial Veterinarian (OPVET)-Aklan head Dr. Mabel Siñel na nakapasok na ang African Swine Fever (ASF) sa mga bayan ng Makato, Batan at Tangalan.
Lumalabas na nagpositibo sa ASF ang samples na kinuha sa mga baboy nitong nakaraang linggo sa tatlong nabanggit na bayan.
Kung matatandaan, unang nagkaroon ng ASF sa Brgy. Arcanghel sa bayan ng Balete na sinundan na ng iba pang mga barangay.
Patuloy naman ang pakikipagtulungan ng OPVET sa mga lokal na pamahallaan para maiwasan ang tuluyang pagkalat ng ASF sa lalawigan.
Continue Reading