Connect with us

Aklan News

Ati-Atihan 2021 posibleng matuloy, ngunit walang ‘SAD-SAD’

Published

on

Pinag-uusapan na ngayon ng pamahalaang lokal kung itutuloy pa ang selebrasyon ng Ati-atihan Festival 2021 kahit na hindi pa tapos ang pandemya.

Ayon kay Kalibo Mayor Emerson Lachica, wala pang pinal na desisyon ukol dito pero sigurado siya na wala nang magaganap na ‘sadsad’.

Napag-usapan sa kanilang inisyal na pagpupulong kung paano isasagawa ang mga tribe competition at iba pang naka line-up na aktibidad.

Posible aniya na gawin na lamang ang tribe competition sa loob ng Magsaysay Park at lilimitahin lamang ang bilang ng mga miyembro sa bawat tribu.

Kukuhaan lamang ang mga ito ng video at ipapalabas sa mga cable television sa Aklan.

Kaugnay nito, nagpahayag na rin si Mayor Jerry Treñas ng Iloilo City na matutuloy pa rin ang Dinagyang Festival sa Iloilo.

Samantala sa Cebu, kinansela ng Cebu City Government ang ilang aktibidad sa Sinulog Festival 2021 at nagkasundo sa mas simpleng selebrasyon.